Sabi ng kaibigan ko, i-try ko raw 'to. Kunag bakit, ewan ko. Pero naiisip ko lang ngayon, e sana makatulong ito sa aking healing process. Kung anuman yang healing process na yan, wish ko hindi siya gaanong katagalan, dahil baka maloka na ako ng tuluyan.

Siguro tinatanong niyo kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko rin alam. Kase sa buong pag-aakala ko e kaya ko ang buhay. Sa buong akala ko, hindi na ako matitinag ng kahit anong problema. Siyempre, mali ako.

In short, isa akong malaking tanga!!!

Sa susunod nalang siguro kung bakit, matatapos na ang break ko.
Posted by purple_witch on September 20, 2004 at 05:25 PM | Add a Comment
« Newer · Older »